Gunita sa harap ng bintana
Thursday, November 22, 2012
Para kay Renedo
We started as merely something you cant even say as friends.
well, complete strangers i'll say.
something you wouldnt even think of that can turn to something like what we are today.
hopeless, maybe? or should i say, something unrequited.
to tell you the truth, i never expected us to be like this.
what we are now, i mean.
dont you think its sort of.. magical?
something beyond, even for a guy like me, couldnt even tell what or describe.
fine, ill stop the english.
baka sabihin mo na naman, english-erong froggie na naman ako.
lets do this the easy way around. :)
Nung una, akala ko.. parang wala lang. But i never really did think of it as something of a joke,
na parang laro-laro lang. Well, as you would likely to say often kapag magkausap tayo, mukha akong walang
pakielam sa mundo, manhid pa nga sabi mo.. pero, know what? You cant really judge something
you havent even tried wasting your time with.. siguro, nagbago na din isip mo ngayon, sana.
Of all things that happened sa buong 21 years kong nabubuhay, isa ka sa hindi ko inakalang mangyayari.
Hindi ko inakalang, magmamahal ako ng isang..
malakas yung toyo.
sobrang tampuhin.
sobrang moody.
walang kinikilala pag galit.
walang pasensya sa mga bullshit ng buhay.
masanggi mo lang, halos patayin ka na sa galit.
minsan ka nang tinaguan.
ilang beses ka nang pinaiyak, kahit nagsisimula pa lang kayo.
kauna-unahang babaeng minura ko ng tangina mo.
malakas mang-tira emotionally.
pasaway.
mas gago pa sayo.
hudas pag nagtatampo.
herodes pag nagkakagalit kayo.
balasubas sumagot pag nagaaway kayo.
hindi sumusunod sa mga bilin mo.
punyeta pag nagsusungit.
masarap ibaon sa lupa kapag nangbubu-bullshit.
tarantado pagdating sa away nyong dalawa.
puking-ina pag nagagalit na ng sobra.
nangaasar pa kahit alam na inis na inis ka na.
ginagawang hobby yung pangiinis, kahit umuusok na yung ilong ng isa.
malakas hindi mamansin pag nagsusungit.
thrice, hindi lang. apat na bese o lima pa mag PMS sa isang bwan
tarantado pagdating sa hinala.
sinasabihan kang manhid, pero sya naman yung parang manhid kung minsan.
Super duper maderpaker sa madaling salita.
Kung tutuusin, dapat, matagal na kitang ibinaon sa lupa. kaso, hindi ko magawa.
Sa hindi ko din malamang dahilan, alam mo.
Lahat ng kapintasan mo, minahal ko. minamahal ko, at mamahalin ko pang lalo.
Bakit kamo?
Tangina, malay ko.
Gago lang talaga siguro ko, o sadyang may saltik lang,
o baka naman nasisiraan na din ng ulo kakaisip sayo.
Pero pwede din namang mahal lang talaga kita.
Sa hindi malamang dahilan, sa paraang hindi mabigyan ng salita.
Hindi mabigyan ng paliwanag. na hindi maarok ng utak ko, kahit alam ko namang
matalino naman ako. Nakaka-bobo ka pala, tangina ka.
Pero okay lang, kahit maging kasing bano man ako ng kung sinong banong kilala mo, okay
lang. Mas gusto ko nang maging bano, kesa sa mawala ka.
Mas gusto ko nang maging bano, kesa mabuhay ng hindi ka kasama.
Mas gugustuhin ko nang maging bano, kesa sa hindi na kita makita.
Mas okay nang maging bano na nagmamahal, kesa sa matalinong kulang naman
ang buhay dahil iniwan.
Mahal, salamat sa lahat. Sa lahat-lahat.
sa bullshit.
sa sakit.
sa problema.
sa inis.
sa galit.
sa badtrip.
sa pagiging putangina.
sa pagiging gago.
sa pagiging aso.
sa tampo.
sa hirap.
sa pagka-punyeta.
sa sarap ng pakiramdam pag kausap ka.
sa paglutang sa kabila ng lahat ng problemang dala ng buhay.
sa pagbibigay sakin ng pagasa.
sa hindi mo alam na pagpapabago mo sa buhay kong magulo.
sa pagsasaayos sa lahat ng baluktot na paniniwala ko.
sa sermon.
sa pagpapakitang mahal mo ko, kahit tarantado ko.
sa palagi mong sagot na hindi mo alam.
sa pagmumura mo pag galit ka.
sa pagsasabi ng gago.
sa mga putangina mo, bakit hindi ka pa magpakamatay.
sa pagiging moody.
sa pagiging asar-talo.
sa bwisit na dala mo sa buhay ko.
sa pagiging letse mo.
sa pagiging ulol mo.
sa pagiging selfish.
sa pagpapatawad.
sa pagbibigay ng madaming chances.
Higit sa lahat, salamat sa pagmamahal.
sa pagpaparamdam mo sakin nabubuhay at nage-exist pa ko sa mundo.
sa hindi pagsasawang mahalin ako, kahit sawa ka na sa pagiging peste ko.
sa pagpasensya kahit alam kong, hudas na yung tingin mo sakin.
sa paglalambing.
sa i love you's.
sa mga tawag mo sakin sa bawa't gabing magkalayo tayo.
sa oras na inilalaan mo para sating dalawa.
sa mga i love you too's.
sa mga yakap na minsan ko lang pinangarap pero natupad.
sa saglit na kiss mo, kahit pauwi na.
sa ngiti.
sa mga tawa mo kahit malaki yung mukha mo.
sa saya.
sa lungkot na pinagsaluhan nating dalawa ng makasama.
sa pagtitiis.
sa mga text message's mong may pagka-manyakis.
sa pagunawa.
sa tuwa
sa mga pangarap na nabuo.
sa pagsisikap matupad yung gusto nating dalawa.
sa pagaalaga.
Sorry kung gago man ako minsan,
sorry kung lagi na lang, puro sakit ng ulo yung ibinibigay ko sayo.
sorry kung, medyo bullshit talaga yung mga pananaw ko.
sorry sa demands.
sorry sa pangaalaska ko.
sorry sa pagiging tarantado.
sorry sa pagaalala.
sorry sa pagtatampo.
sorry sa katarantaduhan.
Sorry, kung lagi na lang.. away bati, away bati tayo.
Wag ka sanang magsawa, kahit ganito tayo ngayon,
wag ka sanang tamarin sa pagmamahal mo,
wag mo sana kong iwan, gaya ng pangako mo,
wag ka sanang sumuko kahit madami na tayong pino-problema.
Wag ka sanang bumigay kahit mahirap.
Mahalin mo pa sana ko ng matagal..
Yung matagal na matagal.
Yung tipong.. masasabi mong tangina sawa na ko sa mukha mo,
pero mahal mo pa din ako.
Yung tipong, dalawa na lang ngipin nating dalawa, magkahiwalay pa parehas.
Yung tipong.. baluktot na yung spinal chord nating dalawa, pero magkasama pa din tayo.
Yung tipong .. daliri na lang kumikilos sating dalawa, pero nagagawa pa nating
yakapin, halikan at sabihan ng mahal kita yung isa't isa.
Yung.. masasabi nating. ang sarap pa lang mabuhay ng tayo yung magkasama.
Na ang sarap pa lang tumanda, ang sarap pa lang malagas yung buhok.
Ang sarap pa lang kumain kahit hindi mo na manguya yung taba ng porkchop.
Yung masasabi nating..
Ang sarap pala talagang magmahal.
May good traits ka naman e.
Animal ka lang talaga minsan. Pero, wala namang nagbabago.
Mahal pa rin kita, mas lalo lang din kitang minamahal.
Kahit ang laki-laki talaga ng mukha mo.
Negra ka pa ngayon.
Try mo ngang wag maligo ng tatlong araw, tapos paamoy mo sakin.
Try lang..
Nga pala..
Happy 8th monthsary for the second time around, unano ko.
Mahal na mahal ka ni negro mo.
Akin ka lang, ha?
Ibibigti kita sa harap ng bahay nyo pag di ka umayos.
Joke.
I love you.
I love you.
I love you.
*Kiss.
Thursday, November 15, 2012
Irog
Sabi nga daw, pagdating ng tao, kahit sino pa yan, sa tamang edad nya o kahit
matuto lang magsuot ng panty o brief yan, magsisimula yang kilalanin kung anong
sekswalidad meron sya.
Kahit hindi pa yan sanay mag toothbrush ng ayos.
O hindi pa sanay maghilod ng tama pag naliligo.
Hindi pa sanay maglinis ng sarili nyang tenga.
Maglaba ng sarili nyang sinusuot.
Tanggalin yung ingrown nya sa paa.
Magtanggal ng muta paggising nya sa umaga.
O kaya naman..
Maghugas ng bayag pagkatapos umihi.
Basta nalaman ng isang musmos na bata kung anong sarap nang pagibig na nililikha ng
kahit maliliit na kamunduhan, asahan mo, kahit komplikado, papasukin at papasukin nyan.
Kahit pa dumating sa punto na kahit pa ipaputol mo titi ng nyan, o ipatanggal mo yung isa sa magkabilang
tenga nyan, tataawanan ka pa sa kalokohan mo.
Ang sabi nga.. "mas lalong pinipigil, mas lalo ding nanggigigil"
Parang utot lang yan. Pilit mo mang itago, kung nakabungad na yan sa butas ng pwet mo, kahit papanong
pigil ang gawin mo dyan, lalabas at lalabas yan. Ang masama pa sa mga ganyan, mas matagal mong inimbak, mas hardcore yung kinalalabasan. Minsan nga may tae pang kasama, diba?
" Pre, ano yang ginagawa mo?"
"Wala pre."
"Anong site yan, ayos yan ah"
"Bangis nga eh, panoorin mo pre, astig"
"Teka, papanood ko to sayo."
"Ano yan?"
"Natutulog pre, kinakanyon."
".ha-ha-ha Patingin nga."
zxcnaczxkjchjkh ( Japanese) BOOM!
"ha-ha-ha-ha-ha-ha" Putangina nyang mga yan mga gago."
Di mo pa naranasang masawi? Pupusta ko naranasan mo na.
Sabihin man nating hindi mo nga naranasan, pero medyo pahapyaw na sakit pag nagmamahal ka nga talaga
pihado, naranasan mo na.
Yung mga panahon na, lahat na lang ng bagay na nangyayari sayo e puro bullshit na lahat.
Yung mga oras na konti na lang ibenta mo sa demonyo yung kaluluwa mo,
magbago lang yung sitwasyon na sinasapit mo.
O kaya yung uminom ng clorox, kasi hindi mo na kaya.
Magpakalasing sa tubig sa ref nyo kahit yung isang buong rasyon nyo ng tubig ng isang linggo, mauubos mo na.
Pwede din yung, gawin gawin mong tirintas yung buhok mo sa kakaisip kung anong dapat mong gawin.
O kaya isalaksak sa tenga mo yung headset na mas malaki pa sa ulo mo para lang hindi ka makarinig ng kahit na ano at hindi ka makapagisip tungkol sa problema mo.
Kaso yung sina-sound trip mo naman, tangina mo yung lyrics tagos naman sa utak mo.
Ang tao nga naman, tanga nga daw pag nagmamahal.
Wala daw taong matalino pagdating sa pagibig.
Wala daw taong maayos ang desisyon pag puso lang ang pinapairal, hindi yung utak.
Totoo?
Tingin ko hindi.
Kelan ka makakakita ng isang taong pag nagdesisyon, gagawin lahat para lang hindi magkanda-letse letse yung binabalak nya?
Sa nagmamahal lang.
Kelan ka makakakita ng taong kahit walang pera, nakakagawa ng isang matalinong paraan para lang magkaroon? Wag ka, wala pang isang oras, nakagawa na.
Sa nagmamahal lang.
Kelan ka makakakita ng taong kahit likas na talagang bobo, pagdating sa klase kahit tanga
nagiging matalino?
Sa nagmamahal lang.
Kelan ka makakakita ng tao na mukhang tabla, pero pag aalis ng bahay, mukha nang hardiflex? E este, pogi na?
Sa nagmamahal lang.
Kelan ka makakakita ng taong tamad na nagsusumikap sa buhay dahil nagkaroon ng kahulugan yung buhay nya?
Sa nagmamahal lang.
E yung taong wala nang pag-asa pero nagbago lahat ng pananaw sa buhay?
Sa nagmamahal lang.
Sino ngayon yung tanga? Yung taong nagmamahal o yung taong bitter kasi walang nagmamahal?
Yung taong nakaisip nyan, bitter siguro.
Baka iniwan ng jowa o pinagpalit sa matronan o sugar daddy na mayaman.
"Tol?"
"Oh?"
"Tignan mo to."
"Alin?"
"Oy ganda nyan ah!"
"He-he"
"Send mo sakin link:
"Ge pre."
Downloading...
GUNBOUND WC.
Sino nagsabing tao sa tao lang ang pagibig?
Pwede namang..
Sa kapwa mo na mukhang hayop.
Sa computer games.
Sa halaman,
Sa modernong pilosopiya.
Sa Bayan.
Sa sining.
Sa porno.
Sa kamera mong mamahalin.
Sa kama na tinutulugan mo.
Sa pinagkakaabalahan mo.
Sa amoy ng hanging sa umaga pag dungaw sa bintana mo.
Sa sinag na araw na nakikita mo sa tuwing hapon na lumilipas sa buhay mo.
Sa bituin na inaasam mo na marating mo.
O sa hangin na nagbibigay buhay sayo.
Sa isang bagay na hindi mo naman nakikita, pero pinaniniwalaan mo.
Ang pag-ibig malalim.
Walang matinong nagmamahal na papayag na kayang ipaliwanag ng siyensya lahat ng
pagtibok at pagsikip ng dibdib mo pag nakakaramdam ka ng pagmamahal.
Misteryo nga daw sabi nila
Hahamakin ang lahat, masunod ka lamang.
Masarap magmahal sa totoo lang.
Mahirap lang kapag nata-tarantado na.
Pero.. kaya mo bang palagpasin yung tukso na dala ng pagibig sa buhay mo?
Hindi. Sigurado ko.
Saturday, November 10, 2012
Biyaheng Kalye
" Pre, san ka dadaan pauwi?"
"Di ko alam pre, baka GP na. Mas mabilis daw dun."
"Kala ko ba Cubao?"
"Mahal pamasahe."
"Kuya Ruben, hatid mo nga ko."
"San ba..?
"Sa sakayan, GP."
"Gisingin mo ko bukas."
-Bus.
Sarap maupo, yung tipong wala kang alalahanin dahil lahat ng bagay na iniwan mo, nakaayos.
Kahit pagmumurahin ka pa ng kung sinong Herodes na makikita ka, tatatawan mo pa.
Masarap ding mag soundtrip lalo na pag relax na relax ka.
Pero soundtrip mo, maingay pa kesa sa busina ng jeep na hindi maka-singit sa gitna ng trapik.
Mga gagong drayber, alam nang trapik, sisingit pa.
Lalong nagbubuhol buhol.
Sarap minsan mandagok sa bumbunan.
O kaya ipapako sa krus yung mga taong alam nang mali, gagawin pa din.
Ah, buhay. Madami talagang bullshit.
Pero sabi nga, hindi mo mararamdaman na bhay ka.
Kung walang bullshit ang mundo.
Diba parang boring naman kung lagi ka na lang super relaxed?
Minsan okay din sa pakiramdam yung hirap, yung shit. Yung nakakatarantadong mga moments,
na kahit wala ka namang ginagawa, ang bitter ni mother earth sayo.
Yung mga tipong.. Iuntog-untog mo sa pader yung ulo mo sabay ka sisigaw, emo ako.
O kaya yung kahit puno na lang ng alatiris, gusto mo pang ibigti yung sarili mo.
Minsan, kahit maliit na gunting ng papel, gusto mong isaksak sa leeg mo.
Pwede din yung lapis, tasahan mo muna.
-Lrt.
Sa lahat ng sasakyan, eto yung enjoy.
Bakit?
San ka makakita ng napakadaming tao na hindi mo naman pala alam na nage-exist na naka-kumpol lahat sa isang lugar, at hindi nagpapansinan? Sa Lrt lang.
Nakakatuwa din panoorin yung mga taong, kagigising lang, pero tipong sobra pa ding inaantok.
Kahit wala namang headrest yung upuan, nagkakaroon.
Mga naka-tingala, naka-nganga, pati laway nagse-say hello na.
Minsan umaabot pa sa puntong hanggang leeg, umaagos na.
Tapos magigising.
Umaldag yung Lrt, parang may humps.
Titingin sayo.
Ikaw naman, syempre, bait bait-an ka, di mo kilala.
Ngiti ka naman.
Hindi lang nila alam, tawa ka na ng tawa, malakas ka lang magpigil.
Isip-isip mo.
"Tangina, mukhang goldfish na lasing."
"pasinghap singhap ng hangin."
Kaya ako, kahit anong antok ko, hindi ako natutulog pag wala ako sa bahay.
Ayokong pagtawanan. Di na lang.
Baka kala ko, kamukha ko si JunPyo pag natutulog, yung pala, tangina..
Ang kamukha mo pala si Bentong.
Sagwa, diba?
Yung mga tao din naman pauwi pa lang ng opisina.
yung mga puyat na puyat, pero nagpipigil ng tulog.
Baka kasi lumagpas, dagdag bayad pa.
Kikita na naman sila, wala namang napapala yung mga dapat may napapala sa binabayad sa mga pampublikong bullshit na in-endorse ng gobyerno at sinabing makakatulong sa antas ng buhay ng tao sa Pinas.
O, e nasan ngayon?
Dami pa ding skwater.
Nagpapatayan pa.
Yung mga taong mukhang holdaper, pero pag tinanong mo, sa bangko pala nagta-trabaho.
Yung mga taong tingin mo matino, pero puta snatcher pala.
Yung mga taong, wala ding magawa sa buhay.
Tamang sight-seeing para lang hindi ma bored.
Titignan ka, pag nakita mo naman na nakatingin, iiwas.
Ano bang mali sa pagtingin? Naisip ko lang.
Kaya ka nga may mata para gamitin, hindi naman yan ilalagay sa gitna ng mukha mo para hindi magamit.
Pero minsan, may mababalitaan ka..
Nagsapakan na, kasi nagkatinginan.
Mga hudas puta.
Yung mga taong kulang na lang idikdik sa mukha mo na madami silang cellphone.
Yung mga tipo ng tao na nakawin ng tingin ng mga holdaper pagbaba mo ng istasyon.
Text dito, text dyan, tawag dito, tawag doon.
Pag naholdap, iiyak.
Tanga din ng konti.
Yung mga taong walang galang.
Alam nang enclosed yung lugar, magkakalat pa sa loob ng kababuyan.
Kelan pa naging air freshener ang utot, tangina.
Kahit ata magunaw ang mundo at maisayos ulit sa kung ano pang paraan.
O kahit maiba pa yung taste ng tao..
Kahit konting amoy nyan, hindi ilalagay sa pabango.
Madami pa, hindi mo lang talaga mai-describe.
Hindi mo alam kung sasabihin mong mukhang monggoloid o napagiwanan ng ebolusyon.
O hindi mo lang talaga masabi kung tao nga ba o pinagtripan lang ng Diyos.
Hindi sa panglalait, pero totoo.
Nakikita ko. Anong magagawa ko?
-GP Station.
"Sakit sa pwet. Ba't ba walang kutson upuan sa Lrt."
"Sana maisipang lagyan, para masarap mag round trip"
-Abot sa bag.
Yosi.
"Thank you sa isang araw pa ng buhay ko, Lord."

Sunday, November 4, 2012
Hilig
Alas-dos.
Naalimpungatan.
"Oy Pre, natapos mo yung patch?"
"Ha?"
"Yung patch sa pc ko, natapos ba?"
"Ha?"
Hindot. Hindi ata naglilinis ng tenga tong ulol na to.
"Yung patch pre, tapos na ba?"
"Ah, hindi ko alam."
Letse. Tagal tagal mong nagtanong. Hindi pala alam.
E kung sampalin ko kaya to ng tsinelas?
Buhay nga naman.
Hilamos.
Ligo.
Kain.
Harap sa pc.
"Yes pre, this is the laaaaaaaaayyyyp."
"Hehe."
Sabagay nga naman, ikaw na naman ang kain, tulog, harap sa pc, kain tulog at pc na naman ang buhay,
hindi ka nga naman ba matuwa?
E kung yung iba ngang walang pinagaralan, bumubuno ng maghapon sa kalsada, sa initan
nagtitinda ng hinihithit mong yosi , ng mineral water na iniinom mo, o kaya yung nginangata mong mani sa bus. E ikaw nga to ngayong walang pinagaralan, pc pa din ang hawak ,hindi ka nga naman ba matuwa sa
kasalaukuyang sitwasyon ng buhay mo?
-PC
Nakakatamad na araw.
Kung maganda lang sanang tignan na dinidilaan ko yung monitor ng pc, o kung hindi ako matatawag na baliw
pag ginawa ko yun, malamang ginawa ko na.
Wag mong sabihing hindi ka pa nakaramdam ng sobrang pagka-bored sa buhay mo.
Yung kulang nalang paduguin mo yung ilong mo sa pangungulangot dahil sa wala kang magawa.
O yung tipo na, ngangatin mo yung ingrown mo sa paa sa sobrang pagiisip kung ano pang pwede mong magawa?
O kaya yung mag right-click sa desktop tapos refresh, right click tapos refresh kahit may internet ka naman.
Bakit kaya hindi naging Vice City na lang ang mundo? Naisip ko lang.
Para pag wala akong magawa, manghuhugot na lang ako ng tao sa loob ng kotse,
tapos..
"Magda-drive ako, hanggang buwan."
"Please please lang turuan mo akong mag-draaaaaayyyyybb"
"Gusto ko ng kotse"
"Kelan kaya ko magkakaroon?"
Sa sitwasyon ng buhay ko ngayon, malamang malabo.
Pero malay ko, balang araw, o kaya bukas..
May ferrari na ko. Yung nagsasalita pa.
-Yosi
"Pre, di mo ba nararamdaman na kapag, paubos na yung yosi mo, parang..
naiisip mo na dapat di ka na lang sana nagyosi?"
"Hindi pre e, ikaw ba?"
"Oo e."
"Eto, pre, yosi pa."
"Ayoko na pre, huminto na ko dyan...."
".. pero sige, dahil meron pa, bukas na lang ako hihinto, o kaya pag wala nang yosi sa mundo.
ha-ha-ha."
Nyetang to. Hinto pa gusto. Kaso abnoy.
Pero okay yun a. Ganda ng punch line.
Adik na adik ang dating.
"Tunganga"
"Pre?"
"Oh?"
"Wala, pre."
"Apir nga."
Naisip mo na bang mam-pakyu ng tao na nasa labas kapag tinted yung salamin ng sinasakyan mo?
Ako ilang beses na.
Pero, di ko din maiwasang maisip na magmumukha din akong tanga pag ginawa ko yun.
Ikaw ba naman, mam-pakyu ka ng tao sa labas, e tinted nga.
Makita ka kaya?
Sino ngayon mukhang tanga?
Ngisi ka ng ngisi sa loob, hindi ka naman kita.
Labas ka, sabay pakyu.
Sigurado, bugbog abot mo.
-Pc
Walang magawa.
Boring.
Shit.
Hindi daw productive pag walang magawa.
Totoo ba?
Kaso kung meron akong magawa,
Malamang, hindi mo to nababasa ngayon.

Thursday, November 1, 2012
Undas
"Tssssssssk."
"Tsk tsk tks."
"Tangina, ano to?!"
"Tak tak tak tak tak tak."
"Tae ano nangyari?!"
"Pre tulong nga."
"Ge."
Hawak ka naman sa keyboard syempre. Nasa trabaho ka e. Anong magawa mo kung maririnig mo ingay at mga reklamo ng co-worker mo. Ingay dahil sa stress, ingay dahil sa puyat, ingay dahil sa dusa sa putanginang coding.
Isip isip ko lang. " Kung hindi lang malaki kita dito, tangina, matutulog na lang ako."
Kaso, kung may dahilan ka na naman kaya mo ginagawa, bakit ka nga naman hihinto.
Sabi nga ng lola ko, nung nabubuhay pa at nung mga panahon na umuuwi ng gabi at lasing.
"Tangina kang bata ka, san ka naman galing?"
"Amoy alak ka, san ka galing?!"
Syempre ikaw lasing, bilog na talaga mundo mo, anong magagawa mo?
Ngitian mo na lang.
Ngiti ka naman.
"Anong nginingiti mo dyan? San ka galing?!"
"Dyan lang 'La. Kila ano.. basta dyan lang."
"Kasama mo na naman mga barkada mong adik?!"
"Hindi 'La, mukha lang adik mga yun."
"Barkada ka ng barkada, pag naghirap ka di ka nakatapos, tutulungan ka ba nila?!"
"Tulog na ko 'Nay. Goodnight."
Hindi naman sa pagkabastos. Pero may bastos bang umiiwas sa away sa nakakatanda?
Kaso, mangatwiran ka man, wala kang magagawa. Bastos ka., kahit baligtarin mo man ang mundo, pag may kausap ka at tinalikuran mo, kahit ano pang dahilan ang ibigay mo, basta matanda, bastos ka.
"Crreeeek."
Kulang sa langis. Sino nga naman magta-tiyagang maglagay ng langis sa tumutunog na pintuan kung nagagamit mo pa. Pag hindi na yan gumagalaw, saka mo reremedyuhan, diba? Pinoy e.
Last minute kung umaksyon, kaya madalas pag may naaksidente, patay na saka palang dadating yung ambulansya. Masama pa, magtatanong kung anong nangyari. Kingina nga naman.
"Lumaki-laki ka pa, malalaman mong lahat ng sinasabi ko sayo totoo."
" Tandaan mo, papunta ka pa lang, pabalik na ko."
"Lahat ng hirap sa buhay, dadanasin mo din at kung wala kang pinagaralan, kawawa kasa huli"
Tangina, dapat nung una palang nakinig na ko.
Masisisi mo nga ba sarili mo? Bata ka, wala kang muwang.
Yung mga oras at panahon na sinayang mo noon, hindi mo ayun alam.
Laro lang ang alam mo.
Lakwatsa.
Tropa.
Yosi sa kalsada.
Alak.
Holding hands sa syota.
Tambay.
Kain.
Tulog.
Sarap, diba? Bakit ka nga naman hihinto?
Gumising pa ulit ng miserable kinabukasan.
Na hindi mo alam., miserable na pala katayuan mo.
Bata ka. Mapusok nga daw.
Pagsisihan mo ngayong malaki at may isip ka na.
Kung kelan ka na bulbulin at madami nang buhok sa kili-kili.
"Mamaya na kasi facebook tol, tangina naman."
*Ngiti*
"Trabaho muna tayo, mamaya nang madaling araw yan."
"Opo sir. Wait lang. Paalam lang ako. 5 minutes."
"Tssss."
Gagong to. Pakyu.
Di mo lang masabi. May obligasyon ka.
- Trabaho.. Trabaho..
"Tssssssssssk."
"Tanginaaaaaaaaaaaaa"
Simula na naman ulit sa pagdalangin ng kamalasan papunta sa hangin.
Konti na lang, mambabato na 'ko ng tasa ng kape.
Nakaka-umay.
Nakaka-tanggal sa focus.
Sasabayan pa ng kung ano pang shit mo sa buhay.
Ay puta. Sarap maglason. Kaso maiisip mo, may dahilan ka kung bakit mo ginagawa.
BAKIT KA NGA NAMAN HIHINTO?
Minsan, di mo maiiwasang sumagi sa wisyo mo na andami mo nang sinayang na oras.
Lahat ng pagsisisi sa buhay mo, pasan pasan mo.
"Walanghiya ka kasi nung bata, yang tangina mo, magdusa ka ngayon."
Kung pwede lang sapakin sarili mo, ginawa mo na.
"Pero hindi mo masasabing buhay ka kung hindi ka nagkakamali."
"Ganyan ang buhay, bilog. Minsan nasa ilalim, minsan nasa ibabaw"
"Kung anong itinanim, sya mo ding aanihin."
Kung buhay pa yung unang nakaisip nyan, sasambahin ko.
Madaming alam. Kaya madaling namatay siguro.
Parang si Pareng Pepe.
Rebelde kasi. Ayaw pasukol. Itinali tuloy sa Luneta saka binaril.
Ayun, pambansang bayani na ngayon.
Cool, diba?
Kung hindi lang sya lumaban para sa kalayaan ng Pilipinas, malamang namatay yun sa ibang dahilan.
Chikboy pa man din.
Pero malamang na na-bayoneta din.
30 minutes nang off sa facebook.
Alt tab.
"Mamaya na yan pre. Trabaho muna."
Nakatingin pala si gago. Di ko alam.
Hinayupak na to.
Alt-tab.
"Namimiss ko girlfriend ko."

Subscribe to:
Posts (Atom)