" Pre, san ka dadaan pauwi?"
"Di ko alam pre, baka GP na. Mas mabilis daw dun."
"Kala ko ba Cubao?"
"Mahal pamasahe."
"Kuya Ruben, hatid mo nga ko."
"San ba..?
"Sa sakayan, GP."
"Gisingin mo ko bukas."
-Bus.
Sarap maupo, yung tipong wala kang alalahanin dahil lahat ng bagay na iniwan mo, nakaayos.
Kahit pagmumurahin ka pa ng kung sinong Herodes na makikita ka, tatatawan mo pa.
Masarap ding mag soundtrip lalo na pag relax na relax ka.
Pero soundtrip mo, maingay pa kesa sa busina ng jeep na hindi maka-singit sa gitna ng trapik.
Mga gagong drayber, alam nang trapik, sisingit pa.
Lalong nagbubuhol buhol.
Sarap minsan mandagok sa bumbunan.
O kaya ipapako sa krus yung mga taong alam nang mali, gagawin pa din.
Ah, buhay. Madami talagang bullshit.
Pero sabi nga, hindi mo mararamdaman na bhay ka.
Kung walang bullshit ang mundo.
Diba parang boring naman kung lagi ka na lang super relaxed?
Minsan okay din sa pakiramdam yung hirap, yung shit. Yung nakakatarantadong mga moments,
na kahit wala ka namang ginagawa, ang bitter ni mother earth sayo.
Yung mga tipong.. Iuntog-untog mo sa pader yung ulo mo sabay ka sisigaw, emo ako.
O kaya yung kahit puno na lang ng alatiris, gusto mo pang ibigti yung sarili mo.
Minsan, kahit maliit na gunting ng papel, gusto mong isaksak sa leeg mo.
Pwede din yung lapis, tasahan mo muna.
-Lrt.
Sa lahat ng sasakyan, eto yung enjoy.
Bakit?
San ka makakita ng napakadaming tao na hindi mo naman pala alam na nage-exist na naka-kumpol lahat sa isang lugar, at hindi nagpapansinan? Sa Lrt lang.
Nakakatuwa din panoorin yung mga taong, kagigising lang, pero tipong sobra pa ding inaantok.
Kahit wala namang headrest yung upuan, nagkakaroon.
Mga naka-tingala, naka-nganga, pati laway nagse-say hello na.
Minsan umaabot pa sa puntong hanggang leeg, umaagos na.
Tapos magigising.
Umaldag yung Lrt, parang may humps.
Titingin sayo.
Ikaw naman, syempre, bait bait-an ka, di mo kilala.
Ngiti ka naman.
Hindi lang nila alam, tawa ka na ng tawa, malakas ka lang magpigil.
Isip-isip mo.
"Tangina, mukhang goldfish na lasing."
"pasinghap singhap ng hangin."
Kaya ako, kahit anong antok ko, hindi ako natutulog pag wala ako sa bahay.
Ayokong pagtawanan. Di na lang.
Baka kala ko, kamukha ko si JunPyo pag natutulog, yung pala, tangina..
Ang kamukha mo pala si Bentong.
Sagwa, diba?
Yung mga tao din naman pauwi pa lang ng opisina.
yung mga puyat na puyat, pero nagpipigil ng tulog.
Baka kasi lumagpas, dagdag bayad pa.
Kikita na naman sila, wala namang napapala yung mga dapat may napapala sa binabayad sa mga pampublikong bullshit na in-endorse ng gobyerno at sinabing makakatulong sa antas ng buhay ng tao sa Pinas.
O, e nasan ngayon?
Dami pa ding skwater.
Nagpapatayan pa.
Yung mga taong mukhang holdaper, pero pag tinanong mo, sa bangko pala nagta-trabaho.
Yung mga taong tingin mo matino, pero puta snatcher pala.
Yung mga taong, wala ding magawa sa buhay.
Tamang sight-seeing para lang hindi ma bored.
Titignan ka, pag nakita mo naman na nakatingin, iiwas.
Ano bang mali sa pagtingin? Naisip ko lang.
Kaya ka nga may mata para gamitin, hindi naman yan ilalagay sa gitna ng mukha mo para hindi magamit.
Pero minsan, may mababalitaan ka..
Nagsapakan na, kasi nagkatinginan.
Mga hudas puta.
Yung mga taong kulang na lang idikdik sa mukha mo na madami silang cellphone.
Yung mga tipo ng tao na nakawin ng tingin ng mga holdaper pagbaba mo ng istasyon.
Text dito, text dyan, tawag dito, tawag doon.
Pag naholdap, iiyak.
Tanga din ng konti.
Yung mga taong walang galang.
Alam nang enclosed yung lugar, magkakalat pa sa loob ng kababuyan.
Kelan pa naging air freshener ang utot, tangina.
Kahit ata magunaw ang mundo at maisayos ulit sa kung ano pang paraan.
O kahit maiba pa yung taste ng tao..
Kahit konting amoy nyan, hindi ilalagay sa pabango.
Madami pa, hindi mo lang talaga mai-describe.
Hindi mo alam kung sasabihin mong mukhang monggoloid o napagiwanan ng ebolusyon.
O hindi mo lang talaga masabi kung tao nga ba o pinagtripan lang ng Diyos.
Hindi sa panglalait, pero totoo.
Nakikita ko. Anong magagawa ko?
-GP Station.
"Sakit sa pwet. Ba't ba walang kutson upuan sa Lrt."
"Sana maisipang lagyan, para masarap mag round trip"
-Abot sa bag.
Yosi.
"Thank you sa isang araw pa ng buhay ko, Lord."
No comments:
Post a Comment