Thursday, November 15, 2012
Irog
Sabi nga daw, pagdating ng tao, kahit sino pa yan, sa tamang edad nya o kahit
matuto lang magsuot ng panty o brief yan, magsisimula yang kilalanin kung anong
sekswalidad meron sya.
Kahit hindi pa yan sanay mag toothbrush ng ayos.
O hindi pa sanay maghilod ng tama pag naliligo.
Hindi pa sanay maglinis ng sarili nyang tenga.
Maglaba ng sarili nyang sinusuot.
Tanggalin yung ingrown nya sa paa.
Magtanggal ng muta paggising nya sa umaga.
O kaya naman..
Maghugas ng bayag pagkatapos umihi.
Basta nalaman ng isang musmos na bata kung anong sarap nang pagibig na nililikha ng
kahit maliliit na kamunduhan, asahan mo, kahit komplikado, papasukin at papasukin nyan.
Kahit pa dumating sa punto na kahit pa ipaputol mo titi ng nyan, o ipatanggal mo yung isa sa magkabilang
tenga nyan, tataawanan ka pa sa kalokohan mo.
Ang sabi nga.. "mas lalong pinipigil, mas lalo ding nanggigigil"
Parang utot lang yan. Pilit mo mang itago, kung nakabungad na yan sa butas ng pwet mo, kahit papanong
pigil ang gawin mo dyan, lalabas at lalabas yan. Ang masama pa sa mga ganyan, mas matagal mong inimbak, mas hardcore yung kinalalabasan. Minsan nga may tae pang kasama, diba?
" Pre, ano yang ginagawa mo?"
"Wala pre."
"Anong site yan, ayos yan ah"
"Bangis nga eh, panoorin mo pre, astig"
"Teka, papanood ko to sayo."
"Ano yan?"
"Natutulog pre, kinakanyon."
".ha-ha-ha Patingin nga."
zxcnaczxkjchjkh ( Japanese) BOOM!
"ha-ha-ha-ha-ha-ha" Putangina nyang mga yan mga gago."
Di mo pa naranasang masawi? Pupusta ko naranasan mo na.
Sabihin man nating hindi mo nga naranasan, pero medyo pahapyaw na sakit pag nagmamahal ka nga talaga
pihado, naranasan mo na.
Yung mga panahon na, lahat na lang ng bagay na nangyayari sayo e puro bullshit na lahat.
Yung mga oras na konti na lang ibenta mo sa demonyo yung kaluluwa mo,
magbago lang yung sitwasyon na sinasapit mo.
O kaya yung uminom ng clorox, kasi hindi mo na kaya.
Magpakalasing sa tubig sa ref nyo kahit yung isang buong rasyon nyo ng tubig ng isang linggo, mauubos mo na.
Pwede din yung, gawin gawin mong tirintas yung buhok mo sa kakaisip kung anong dapat mong gawin.
O kaya isalaksak sa tenga mo yung headset na mas malaki pa sa ulo mo para lang hindi ka makarinig ng kahit na ano at hindi ka makapagisip tungkol sa problema mo.
Kaso yung sina-sound trip mo naman, tangina mo yung lyrics tagos naman sa utak mo.
Ang tao nga naman, tanga nga daw pag nagmamahal.
Wala daw taong matalino pagdating sa pagibig.
Wala daw taong maayos ang desisyon pag puso lang ang pinapairal, hindi yung utak.
Totoo?
Tingin ko hindi.
Kelan ka makakakita ng isang taong pag nagdesisyon, gagawin lahat para lang hindi magkanda-letse letse yung binabalak nya?
Sa nagmamahal lang.
Kelan ka makakakita ng taong kahit walang pera, nakakagawa ng isang matalinong paraan para lang magkaroon? Wag ka, wala pang isang oras, nakagawa na.
Sa nagmamahal lang.
Kelan ka makakakita ng taong kahit likas na talagang bobo, pagdating sa klase kahit tanga
nagiging matalino?
Sa nagmamahal lang.
Kelan ka makakakita ng tao na mukhang tabla, pero pag aalis ng bahay, mukha nang hardiflex? E este, pogi na?
Sa nagmamahal lang.
Kelan ka makakakita ng taong tamad na nagsusumikap sa buhay dahil nagkaroon ng kahulugan yung buhay nya?
Sa nagmamahal lang.
E yung taong wala nang pag-asa pero nagbago lahat ng pananaw sa buhay?
Sa nagmamahal lang.
Sino ngayon yung tanga? Yung taong nagmamahal o yung taong bitter kasi walang nagmamahal?
Yung taong nakaisip nyan, bitter siguro.
Baka iniwan ng jowa o pinagpalit sa matronan o sugar daddy na mayaman.
"Tol?"
"Oh?"
"Tignan mo to."
"Alin?"
"Oy ganda nyan ah!"
"He-he"
"Send mo sakin link:
"Ge pre."
Downloading...
GUNBOUND WC.
Sino nagsabing tao sa tao lang ang pagibig?
Pwede namang..
Sa kapwa mo na mukhang hayop.
Sa computer games.
Sa halaman,
Sa modernong pilosopiya.
Sa Bayan.
Sa sining.
Sa porno.
Sa kamera mong mamahalin.
Sa kama na tinutulugan mo.
Sa pinagkakaabalahan mo.
Sa amoy ng hanging sa umaga pag dungaw sa bintana mo.
Sa sinag na araw na nakikita mo sa tuwing hapon na lumilipas sa buhay mo.
Sa bituin na inaasam mo na marating mo.
O sa hangin na nagbibigay buhay sayo.
Sa isang bagay na hindi mo naman nakikita, pero pinaniniwalaan mo.
Ang pag-ibig malalim.
Walang matinong nagmamahal na papayag na kayang ipaliwanag ng siyensya lahat ng
pagtibok at pagsikip ng dibdib mo pag nakakaramdam ka ng pagmamahal.
Misteryo nga daw sabi nila
Hahamakin ang lahat, masunod ka lamang.
Masarap magmahal sa totoo lang.
Mahirap lang kapag nata-tarantado na.
Pero.. kaya mo bang palagpasin yung tukso na dala ng pagibig sa buhay mo?
Hindi. Sigurado ko.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment