Thursday, November 1, 2012

Undas

"Tssssssssk."


"Tsk tsk tks."


"Tangina, ano to?!"




"Tak tak tak tak tak tak."




"Tae ano nangyari?!"



"Pre tulong nga."


"Ge."



Hawak ka naman sa keyboard syempre. Nasa trabaho ka e. Anong magawa mo kung maririnig mo ingay at mga reklamo ng co-worker mo. Ingay dahil sa stress, ingay dahil sa puyat, ingay dahil sa dusa sa putanginang coding.

Isip isip ko lang. " Kung hindi lang malaki kita dito, tangina, matutulog na lang ako."

Kaso, kung may dahilan ka na naman kaya mo ginagawa, bakit ka nga naman hihinto.
Sabi nga ng lola ko, nung nabubuhay pa at nung mga panahon na umuuwi ng gabi at lasing.

"Tangina kang bata ka, san ka naman galing?"
"Amoy alak ka, san ka galing?!"


Syempre ikaw lasing, bilog na talaga mundo mo, anong magagawa mo?
Ngitian mo na lang.
Ngiti ka naman.

 "Anong nginingiti mo dyan? San ka galing?!"


"Dyan lang 'La. Kila ano.. basta dyan lang."


"Kasama mo na naman mga barkada mong adik?!" 


"Hindi 'La, mukha lang adik mga yun."


"Barkada ka ng barkada, pag naghirap ka di ka nakatapos, tutulungan ka ba nila?!"


"Tulog na ko 'Nay. Goodnight."

Hindi naman sa pagkabastos. Pero may bastos bang umiiwas sa away sa nakakatanda?
Kaso, mangatwiran ka man, wala kang magagawa. Bastos ka., kahit baligtarin mo man ang mundo, pag may kausap ka at tinalikuran mo, kahit ano pang dahilan ang ibigay mo, basta matanda, bastos ka.


"Crreeeek."

Kulang sa langis. Sino nga naman magta-tiyagang maglagay ng langis sa tumutunog na pintuan kung nagagamit mo pa. Pag hindi na yan gumagalaw, saka mo reremedyuhan, diba? Pinoy e.
Last minute kung umaksyon, kaya madalas pag may naaksidente, patay na saka palang dadating yung ambulansya. Masama pa, magtatanong kung anong nangyari. Kingina nga naman.



"Lumaki-laki ka pa, malalaman mong lahat ng sinasabi ko sayo totoo."
" Tandaan mo, papunta ka pa lang, pabalik na ko."

"Lahat ng hirap sa buhay, dadanasin mo din at kung wala kang pinagaralan, kawawa kasa huli"


Tangina, dapat nung una palang nakinig na ko.
Masisisi mo nga ba sarili mo? Bata ka, wala kang muwang.
Yung mga oras at panahon na sinayang mo noon, hindi mo ayun alam.
Laro lang ang alam mo.

Lakwatsa.

Tropa.

Yosi sa kalsada.

Alak.

Holding hands sa syota.

Tambay.

Kain.

Tulog.

Sarap, diba? Bakit ka nga naman hihinto?


Gumising pa ulit ng miserable kinabukasan.
Na hindi mo alam., miserable na pala katayuan mo.

Bata ka. Mapusok nga daw.
Pagsisihan mo ngayong malaki at may isip ka na.
Kung kelan ka na bulbulin at madami nang buhok sa kili-kili.





"Mamaya na kasi facebook tol, tangina naman."

 

*Ngiti*


"Trabaho muna tayo, mamaya nang madaling araw yan."


"Opo sir. Wait lang. Paalam lang ako. 5 minutes."




"Tssss."



Gagong to. Pakyu.
Di mo lang masabi. May obligasyon ka.


- Trabaho.. Trabaho.. 





"Tssssssssssk."



"Tanginaaaaaaaaaaaaa"



Simula na naman ulit sa pagdalangin ng kamalasan papunta sa hangin.
Konti na lang, mambabato na 'ko ng tasa ng kape.
Nakaka-umay.
Nakaka-tanggal sa focus.
Sasabayan pa ng kung ano pang shit mo sa buhay.
Ay puta. Sarap maglason. Kaso maiisip mo, may dahilan ka kung bakit mo ginagawa.


BAKIT KA NGA NAMAN HIHINTO?



Minsan, di mo maiiwasang sumagi sa wisyo mo na andami mo nang sinayang na oras.
Lahat ng pagsisisi sa buhay mo, pasan pasan mo.
"Walanghiya ka kasi nung bata, yang tangina mo, magdusa ka ngayon."
Kung pwede lang sapakin sarili mo, ginawa mo na.


"Pero hindi mo masasabing buhay ka kung hindi ka nagkakamali."
"Ganyan ang buhay, bilog. Minsan nasa ilalim, minsan nasa ibabaw"
"Kung anong itinanim, sya mo ding aanihin."

Kung buhay pa yung unang nakaisip nyan, sasambahin ko.
Madaming alam. Kaya madaling namatay siguro.
Parang si Pareng Pepe.
Rebelde kasi. Ayaw pasukol. Itinali tuloy sa Luneta saka binaril.
Ayun, pambansang bayani na ngayon.
Cool, diba?
Kung hindi lang sya lumaban para sa kalayaan ng Pilipinas, malamang namatay yun sa ibang dahilan.
Chikboy pa man din.
Pero malamang na na-bayoneta din.



30 minutes nang off sa facebook.
Alt tab.





"Mamaya na yan pre. Trabaho muna."



Nakatingin pala si gago. Di ko alam.
Hinayupak na to.



Alt-tab.










"Namimiss ko girlfriend ko."











Alt-tab.
















No comments:

Post a Comment