Sunday, November 4, 2012

Hilig

 Alas-dos.







Naalimpungatan.




"Oy Pre, natapos mo yung patch?"






"Ha?"





"Yung patch sa pc ko, natapos ba?"



"Ha?"




Hindot. Hindi ata naglilinis ng tenga tong ulol na to.


"Yung patch pre, tapos na ba?"




"Ah, hindi ko alam."



Letse. Tagal tagal mong nagtanong. Hindi pala alam.
E kung sampalin ko kaya to ng tsinelas?
Buhay nga naman.




Hilamos.
Ligo.
Kain.
Harap sa pc.




"Yes pre, this is the laaaaaaaaayyyyp."

"Hehe."




Sabagay nga naman, ikaw na naman ang kain, tulog, harap sa pc, kain tulog at pc na naman ang buhay,
hindi ka nga naman ba matuwa?
E kung yung iba ngang walang pinagaralan, bumubuno ng maghapon sa kalsada, sa initan
nagtitinda ng hinihithit mong yosi , ng mineral water na iniinom mo,  o kaya yung nginangata mong mani sa bus. E ikaw nga to ngayong walang pinagaralan, pc pa din ang hawak ,hindi ka nga naman ba matuwa sa
kasalaukuyang sitwasyon ng buhay mo?




-PC


Nakakatamad na araw.
Kung maganda lang sanang tignan na dinidilaan ko yung monitor ng pc, o kung hindi ako matatawag na baliw
pag ginawa ko yun, malamang ginawa ko na.
Wag mong sabihing hindi ka pa nakaramdam ng sobrang pagka-bored sa buhay mo.
Yung kulang nalang paduguin mo yung ilong mo sa pangungulangot dahil sa wala kang magawa.
O yung tipo na, ngangatin mo yung ingrown mo sa paa sa sobrang pagiisip kung ano pang pwede mong magawa?



O kaya yung mag right-click sa desktop tapos refresh, right click tapos refresh kahit may internet ka naman.
Bakit kaya hindi naging Vice City na lang ang mundo? Naisip ko lang.

Para pag wala akong magawa, manghuhugot na lang ako ng tao sa loob ng kotse,
tapos..



"Magda-drive ako, hanggang buwan."



"Please please lang turuan mo akong mag-draaaaaayyyyybb"





"Gusto ko ng kotse"


"Kelan kaya ko magkakaroon?"



Sa sitwasyon ng buhay ko ngayon, malamang malabo.
Pero malay ko, balang araw, o kaya bukas..


May ferrari na ko. Yung nagsasalita pa.





-Yosi





"Pre, di mo ba nararamdaman na kapag, paubos na yung yosi mo, parang..
naiisip mo na dapat di ka na lang sana nagyosi?"




"Hindi pre e, ikaw ba?"




"Oo e."




"Eto, pre, yosi pa."






"Ayoko na pre, huminto na ko dyan...."





".. pero sige, dahil meron pa, bukas na lang ako hihinto, o kaya pag wala nang yosi sa mundo.
ha-ha-ha."





Nyetang to. Hinto pa gusto. Kaso abnoy.
Pero okay yun a. Ganda ng punch line.
Adik na adik ang dating.





"Tunganga"




"Pre?"


"Oh?"




"Wala, pre."



"Apir nga."





Naisip mo na bang mam-pakyu ng tao na nasa labas kapag tinted yung salamin ng sinasakyan mo?
Ako ilang beses na.
Pero, di ko din maiwasang maisip na magmumukha din akong tanga pag ginawa ko yun.
Ikaw ba naman, mam-pakyu ka ng tao sa labas, e tinted nga.
Makita ka kaya?
Sino ngayon mukhang tanga?
Ngisi ka ng ngisi sa loob, hindi ka naman kita.


Labas ka, sabay pakyu.
Sigurado, bugbog abot mo.






-Pc



Walang magawa.
Boring.
Shit.








Hindi daw productive pag walang magawa.
Totoo ba?















Kaso kung meron akong magawa,
Malamang, hindi mo to nababasa ngayon.




















No comments:

Post a Comment